p.s. pasensya nah adik slash korni slash emo lang tlgah akoh minsan... pasensya na sa mga kaadikan kakornihang kaemohan koh sa buhay lately... salamat sa lahat nang mga sinabi nyoh saken.. na-appreciate koh 'un... salamat ... so etoh to lift me up naman.... at mapa-smile den kayoh... =)
______________________________________________________________________________________
BF: Sunduin kita mamaya ha. Bubusina nalang ako pag nasa harap nako ng bahay nyo.
GF: Cge. Anong sasakyan ang dala mo?
BF: Wala. Busina lang...
______________________________________________________________________________________
Boy: Nay, meron ba tayong ulam?
Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.
Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?
Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan!
______________________________________________________________________________________
INFORMATION
Erap: Hello, I will like to inquire how long is the flight to San Francisco ?
Operator: Just a minute sir…
Erap: Thank you! (klik).
______________________________________________________________________________________
Bongbong: Pare sinong idol mo?
Chavit: Si Arnold Schwarzenegger.
Bongbong: Sige nga, spell Schwarzenegger.
Chavit: Hindi, joke lang pare, si Jet Li talaga ang idol ko.
______________________________________________________________________________________
Tatay: 'Nak, bili mo ko ng soft drink.
Anak: Coke o Pepsi?
Tatay: Coke.
Anak: Diet o regular?
Tatay: Regular.
Anak: Bote o can?
Tatay: Bote.
Anak: 8oz o litro?
Tatay: Leche! Tubig na lang.
Anak: Mineral, distilled o purified?
______________________________________________________________________________________
Sa phone (Bad news)…
Doc : Meron akong bad & mas bad news syo!
Man : Wats dat doc?
Doc : 24 hrs na lang taning ng buhay mo!
Man : Ha?! Ano naman po ung mas masama pa?
Doc : Kahapon pa kita kinokontak eh…
______________________________________________________________________________________
Wife : Love, mahal mo ba ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
Wife : Enjoy ka ba sa akin?
Husband: Siyempre, asawa kitae h.
Wife : Baka naman niloloko mo lang ako?
Husband: Siyempre, asawa kita eh.
______________________________________________________________________________________
Anak : Tays ! kakains nas tayos !
Tatay : Hoy ! Tigilan mo yang kalalagay mo ng 'S' sa mga sinasabi mo ha ! Ano ba ang ulam ?
Anak : BANGU na may KAMATI, ARDINA na may IBUYA !
______________________________________________________________________________________
Anak: Dear Itay, padalhan mo ako ng pera kasi ang mga damit ko pinagkakain ng mga daga.
Itay: Dear Anak, wala akong pera. Kung gusto mo, meron dito pusa.
______________________________________________________________________________________
3 Baliw sa Mental nagkuwentuhan. ..
B1: ako presidente dito!
B2: wala ka sa akin! ako si bush, presidente sa america !
B1: sino nagsabi?
B2: Ang Diyos!
B3: At kelan kita sinabihan??
______________________________________________________________________________________
Ang linaw
Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ko ng hearing aid. Grabe! ang linaw na ng pandinig ko!
Juan: Talaga?! Magkano bili mo?
Pedro: Kahapon lang
______________________________________________________________________________________
Mental patient nagbubungkal ng lupa para magtanim.
Nurse: Ano ginagawa mo?
Patient: Di mo ba nakikita? nagtatanim ako!
Nurse: Eh wala ka naman tinatanim ah?
Patient: Seedless to! adik ka ba?!
______________________________________________________________________________________
Nanay: Ano 'tong malaking zero sa test paper mo?
Anak: Hindi po 'yan zero, 'Nay. Naubusan lang ng star ang teacher ko kaya binigyan niya ako ng moon! Moon lang 'yan, 'Nay, promise!
______________________________________________________________________________________
May Ubo
DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.
______________________________________________________________________________________
Juan: Birthday ng asawa ko....
Pedro: Ano regalo mo?
Juan: Tinanong ko kung ano gusto niya.
Pedro: Ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta may DIAMOND.
Pedro: Ano binigay mo?
Juan: Baraha.
______________________________________________________________________________________
MISIS: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw nalang tayong nag-aawayMabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
MISTER: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito,away roon! Mabuti pasiguro, sumama na ako sa 'yo!
______________________________________________________________________________________
mental tape
Sa mental may isang baliw na kumakanta hbng nkhiga sa kama... bigla i2 dumapa, kumanta ulit.. nagtaka ang nurse at tnnong, "o bkt ka bumaliktad?"
BALIW:"Tanga!! Side B na!"
______________________________________________________________________________________
Nanay: Hala, sige, layas! Huwag ka nang bumalik dito sa bahay! Simula
ngayon, huwag mo na akong tawaging nanay at hindi na rin kita tatawaging anak, naintindihan mo?
Anak: Sige dude, alis na ako.
______________________________________________________________________________________
Boy: Kukunin ko ang mga bituin at ibibigay ko sa iyo!
Girl: Shut up! Hindi mo nga makuha yang kulangot mo, bituin pa!
Boy: Ay sorry, hindi ko alam na ito pala ang gusto mo!
______________________________________________________________________________________
mga kriminal
KRIMINAL1: “Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?”
KRIMINAL2: “Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito wala parin siya!Sana naman walang nangyaring masama sa kanya.”
______________________________________________________________________________________
Erap at Starbucks.
Erap: Waiter, isang kape nga!
Waiter: Sir, decaf ho ba?
Erap: Syempre! Bobo! Lahat ng kape, de cup! Bakit, may nakaplato ba?!
______________________________________________________________________________________
Anak: Ma, hingi sanaako ng P50.
Nanay: P40? Ang laki naman ng P30! Anong gagawin mo sa P20? Akala mo
madaling kumita ng P10? O, eto P5.
______________________________________________________________________________________
Hindi makapagtimpla ng juice si Inday. Tahimik lang syang nakatitig sa bote ng juice. Dahil nakasulat: Concentrate.
______________________________________________________________________________________
Hindi raw bingi
Kustomer:(sumisigaw) PABILI NG HOPE!!
Tindero: Huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi! Ilang Coke ba ang bibilhin mo?
______________________________________________________________________________________
toothpick
AMO: kelan lang tayo bumili ng toothpick, bakit naubos agad?
MAID: ewan ko po mam, kapag ako po ang gumamit sinosoli ko naman ah!
______________________________________________________________________________________
basketball
ADIK: Doc, grabe yung panaginip ko gabi gabi, kasi lagi daw ako nanunuod ng basketball.
DOCTOR: sige halika may gamot ako para dyan.
ADIK: Wag muna dok, championship game na mamaya eh!

GODBLESS! -di